Isa sa mga celebrity na nagpahayag ng kanilang paggunita sa ika-36 anibersaryo sa unang EDSA People Power ay si Kapamilya actress Janine Gutierrez, na una pa lamang ay matapang na sa pagpapahayag ng kaniyang reaksyon at saloobin hinggil sa mga usaping politikal sa bansa.

Tweet niya nitong Pebrero 25, hinikayat niya ang mga tao na manaliksik hinggil sa tunay na mga pangyayari sa likod ng People Power na ito.

"On the 36th anniversary of the people power revolution, let's all spend some time reading about it. Google it. Talk to your family about it. And if you know anyone who marched on the streets for our freedom, please say thank you," aniya.

Dagdag pa niya, "We promise to #NeverForget ?? #EDSA36."

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Screengrab mula sa Twitter/Janine Gutierrez

Matatandaang noong Oktubre 5, 2021, pinag-usapan ang hashtag Twitter post ni Janine na #NeverForget na ipinagpalagay na patama sa isang kandidato sa pagka-pangulo, na nag-anunsyo ng kaniyang intensyong pagtakbo nitong Oktubre 5, 2021.

Ang tweet ni Janine na '#NeverAgain', bagama't wala siyang tinukoy na pangalan, ay ipinagpalagay ng mga netizens na patama kay dating senador Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. Maaari din umano sa anak ni BBM na si Sandro Marcos na tumatakbo bilang Ilocos Norte representative.

Ang #NeverAgain ay ginagamit na hashtag upang kondenahin ang alaala ng Martial Law at ng Pamilya Marcos.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/05/tweet-ni-kapamilya-actress-janine-gutierrez-neveragain/

Noong Oktubre 16 naman ay pinabulaanan ni Janine na siya ang nag-tweet na 'baskil' at 'dugyot' si BBM.

Ayon sa paliwanag ni Janine, hindi umano siya ang nag-tweet nito, at hindi umano siya ganoon kababaw para gawin ito. Nakasaad kasi sa tweet na nakapangalan sa kaniya na 'Yuck! Baskil. Maraming ninakaw sa bayan pero, dugyot' na may kalakip na litrato ni BBM habang nakataas ang mga kamay.

"Hey everyone! This is fake. I never tweeted this. Kung kilala n'yo ako, hindi ko naman talaga katunog ito. Hindi tayo mababaw. Hindi importante ang itsura o panlabas na anyo ng isang politiko. Doon tayo sa facts lang, lalo na ngayong eleksyon," aniya.

Dagdag pa niya, "Mag-iingat sa fake news, guys!"

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/16/janine-itinangging-tinawag-na-baskil-at-dugyot-si-bbm-mag-iingat-sa-fake-news-guys/