Nakaamba ang pagpapatupad muli ng mga kumpanya ng langis ng dagdag presyo sa produktong petrolyo sa Marso 1.
Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tataas ng₱0.90 hanggang₱1.00 ang presyo ng kada litro ng gasolina at₱0.70-₱0.80 naman ang idadagdag sa presyo ng diesel at kerosene.
Ang nagbabadyang price increase ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan at malaking demand ng langis sa pandaigdigang merkado maliban pa rito ang epekto ng patuloy na tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Noong Pebrero 22, huling nagtaas ng₱0.80 sa presyo ng gasolina,₱0.65 sa presyo ng diesel at₱0.45 naman sa presyo ng kerosene.