Kahit iba na ang nakapuwestobilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), matutuloy pa rin ang kontrobersyal na dolomite beach project.
Ito ang tiniyak ng kauupong secretary ng DENR na si Jim Sampulna dahil kabilang aniya ito sa pangako nila kay Pangulong Rodrigo Duterte.
"We can now see the beauty of Manila Bay. Maybe only around 500-600 meters of the Manila Bay is yet to be laid down with dolomite sand. I intend to continue that project because that is our commitment to our dear President," banggit nito.
Matatandaang binanggit ni Duterte sa kanyangState of the Nation Address na dadagdagan muli ng gobyerno ang nasabing man-made beach sa kabila ng pangamba ng mga eksperto sa maidudulot na panganib nito sa publiko.
Sa unang babala ng Department of Health (DOH), malaki ang posibilidad na magkaroon ng sakit sa baga ang sinumang makalalanghapng dinurog na dolomite.
Naging kontrobersyal ang nasabing Manila Baywalk dolomite beach dahil ginastusan ito ng daan-daang milyong piso ng gobyerno sa gitna ng pandemya.