Nananatili pa rin sa Kyiv si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy.
Sa isang video na nasilip ng mga mamamahayag sa Facebook account nito, makikita na nagsasalita si Zelenskyynitong Biyernes habang siya ay nasa Kyiv na kabisera ng Ukraine.
Kaagad na pinalagan ang kumalat na impormasyon na sumuko na ito o tumakas matapos lusubin ng Russian forces ang kanilang bansa nitong Huwebes.
Sa naturang video, nanindigan si Velenskyy na mananatili siya sa kanilang lugar at makikipaglaban.
"I am here. We will not lay down any weapons. We will defend our state, because our weapons are our truth," pagmamatigas ni Velenskyy.
Matatandaang umapela ng tulong si Velenskyy saNorth Atlantic Treaty Organization (NATO) kasunod ng pagsalakay sa kanila ng mga sundalo ng Russia.
Gayunman, walang kahit isang bansang miyembro ng NATO ang nagpahayag ng pagsuporta kay Velenskyy.
Ang NATO ay isang alyansa ng 30 na bansang mula saEurope, North America, at Asia.
Agence France-Presse