May makahulugang tweet ang kontrobersyal na celebrity na si Dawn Chang tungkol sa 'pagpili' mula sa American researcher at author na si Brené Brown, ngayong Pebrero 26, 2022.

Ayon sa tweet/quote, "Choosing courage over comfort, choosing what is right over what is fun, fast or easy; and choosing to practice our values rather than simply professing them."

Screengrab mula sa Twitter/Dawn Chang

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Matatandaang naging kontrobersyal si Dawn nang matapang siyang magpahayag ng pagka-imbyerna at pagkadismaya kay Toni Gonzaga dahil sa pag-host nito sa UniTeam proclamation rally noong Pebrero 8, 2022.

Dito nag-ugat ang bantang demandahan nila ni showbiz columnist Cristy Fermin matapos nitong batikusin ang kaniyang ginawang patutsada laban sa dating Pinoy Big Brother (PBB) main host.

Isinawalat ni Cristy ang tungkol sa kung paano nagkakaroon ng trabaho umano ang dating PBB housemate.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/11/cristy-fermin-may-banat-kay-dawn-chang-wala-kang-mararating-kung-hindi-ka-nakikipag-landian-sa-mga-boss/

Pagkatapos ng mga malisyosong pahayag umano ni Cristy ay pinalagan ito ni Dawn at naglabas ng demand letter laban sa kampo ng showbiz columnist, sa pamamagitan ni Atty. Rafael Vincent Calinisan.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/11/kulong-o-public-apology-dawn-chang-pinalagan-ang-mabigat-na-alegasyon-ni-cristy-fermin/

Hindi naman ito pinalampas ni Cristy at naglabas din ng demand letter para sa kampo ni Dawn, sa pamamagitan naman ni Atty. Ferdinand Topacio. Pareho silang nagbigay ng deadline na hanggang hatinggabi ng Pebrero 16, kailangang makapagbigay sila ng public apology kundi ay hahakbang sila sa mga susunod na antas ng reklamo.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/13/mga-abogado-ni-cristy-pumalag-public-apology-hinihingi-mula-sa-kampo-ni-dawn/

Ngunit dumaan ang Pebrero 16 na wala ni isa sa kanila ang nagpatinag. Ayon kay Atty. Topacio, nag-uusap na sila ng kaniyang kliyente upang pagulungin na ang reklamo laban sa legal counsel ni Dawn. Hindi naman malinaw kung may hiwalay pa silang reklamo laban sa celebrity.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/20/kampo-nina-cristy-dawn-parehong-wala-pang-public-apology-anong-susunod-na-ganap/

Ang huling banat o parinig ni Dawn hinggil sa isyu ay nang pagsabihan siya ni Lolit Solis na kaibigan ni Cristy Fermin.

"Pag ikaw ay isang “baguhang” artista, wala kang karapatan. Pag hindi ka sikat, wala kang karapatan. - Toxic Filipino mentality," tila tugon niya rito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/16/lolit-kay-dawn-kapapasok-mo-palang-sa-mundong-ito-lahat-muna-tanggapin-mo-nang-constructive/

Bukod sa mga cryptic tweets, nagpahayag din ng pasasalamat si Dawn sa mga netizen na nakikisimpatya at nasa panig niya; gayundin, game at diretsahan din niyang sinasagot ang mga tanong ng mga netizen.

"Thank you to everyone who sent me messages. It was unexpected. Nakakataba ng puso. Maraming salamat po," aniya.

Sinagot naman niya ang netizen na nagtanong sa kaniya na "Totoo po ba ang parating ni Permin (Cristy Fermin) na pumatol ka po sa boss ng ABS-CBN para mag-artista?"

Tugon naman ni Dawn, "Naghihintay din ako ng pruweba. Ang tagal. Hahaha."

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/17/dawn-chang-hinggil-sa-ispluk-ni-cristy-fermin-naghihintay-din-ako-ng-pruweba-ang-tagal/

Isang netizen naman ang nagbigay ng reaksyon: "Thank you for standing up to that marites who would rather ruin someone's reputation."

Sey naman niya, "Mahirap po kumita ng pera. Pagpasensyahan na natin."

Malapit nang matapos ang Pebrero ngunit nakaabang pa rin ang mga netizen sa susunod na hakbang ng dalawang kampo para sa isa't isa.