Malayo sa nakasanayang glitz and glamour ang makikitang suot ni Miss Grand International Ukraine 2015 Anastasia Lenna na military uniform bitbit ang armas upang depensahan ang kanyang bansa laban sa all-out invasion na idineklara ng Russia kamakailan.

Mula beauty pageants, malaking crossover ngayon ang ginawa ng kinatawan ng Ukraine na si Anastasia Lenna sa Miss Grand International 2015.

Dating bahagi ng kasundaluhan, nagbalik sa hanay si Anastasia kasunod ng kaguluhang kinahaharap ng Ukraine.

Nitong Huwebes, Pebrero 24, ganap nang nag-anunsyo ng “full-scale” war ang Russia laban sa Ukraine. Isang araw bago nito, nagbahagi ng larawan sa kanyang social media si Anastasia suot ang military uniform.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Mababasa rin ang hastags na #standwithukraine, #handsoffukraine sa kanyang Instagram post.

Larawan mula Instagram ni Anastasia Lenna

Hindi nagpatinag ang Ukraine at hinikayat ang mamamayan nitong depensahan ang kanilang teritoryo. Ayon pa sa ilang ulat, nagbigay ng armas ang pamahalaan ng Ukraine sa bawat mamamayan nitong nais tumindig sa laban ng bansa.

Nauna na ring nagdeklara ng martial law sa bansa matapos ang pag-atake ng Russia sa ilang kampo ng militar at hangganan ng bansa noong Huwebes.

"Dear Ukrainian citizens, this morning President Putin announced a special military operation in Donbas. Russia conducted strikes on our military infrastructure and our border guards. There were blasts heard in many cities of Ukraine,” ani Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa kanyang talumpati noong Pebrero 24 na sinundan ng deklarasyon ng batas militar.