Makalipas ang ilang taon, muling nagkita sina presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at ang dating yaya ng mga Marcos na si Nanay Resureccion "Siony" Bugna sa San Fernando, La Union nito lamang Enero 25.

Ibinahagi ni Marcos Jr. sa isang Facebook post ang pagkikita nila ni Nanay Siony.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

"Nakakataba ng puso na muling makita ang isang taong napakalaki ang parte sa’yong kabataan," ani BBM nitong Sabado, Pebrero 26.

Bago ang pagkikita, nagviral sa social media ang post tungkol kay Nanay Siony.

Sa Facebook post ng isang Evelyn Patricio noong Pebrero 17, sinabi niyang nais makita ni Nanay Siony ang mga naging alaga nito na sina Bongbong at Irene, Senadora Imee, at Imelda.

Naisipang humingi ng tulong ni Patricio na social media upang mai-share ng mga kapwa BBM supporter ang kanyang post para makarating sa mga Marcos ang tungkol kay Nanay Siony.

Ayon pa sa uploader, taga Negros Occidental ang 80-anyos ngunit sa Agoo, La Union ito tumutuloy.

Umabot sa mahigit 11,000 shares ang naturang post kaya't hindi malabong nakarating ito sa kampo ni Marcos. Sakto rin ito dahil may rally si Marcos sa La Union noong Biyernes, Pebrero 25, at doon na nga nagkita ang dalawa.

"Maraming salamat sa lahat ng nag-share, nag-mention, at nag-react hanggang sa makarating sa aming tanggapan ang post tungkol kay Nanay Siony. Sana ay nagustuhan niya ang munting pasorpresa namin ni Irene sa kanya," anang presidential aspirant.