Inaresto ng pulisya ang tatlong suspek at nakuhanan ng P986,000 halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Tondo, Maynila noong Biyernes, Pebrero 25.

Kinilala ang mga suspek na sina Judy Ann Barrozo, alyas ” Ning,” 24; Vannie Rabia, 33; at Jennilyn Betito, 33, residente ng Tondo.

Batay sa ulat ni Police Lt. Col Robert Domingo, commander ng Manila Police District (MPD) Jose Abad Santos Police Station, ikinasa ang entrapment operation laban sa mga suspek dakong alas-9:05 ng umaga sa kanto ng Jose Abad Santos Ave. at Morong St. sa Tondo.

Pinangunahan ni Police Lt. Joan Dorado, hepe ng Station Drug Enforcement Unit, ang operasyon.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Arestado ang mga suspek matapos magbenta ng shabu sa isang poseur buyer.

Narekober ng pulisya sa kanila ang 29 na sachet ng shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 140 hanggang 145 gramo na nagkakahalaga ng P986,000.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Article ll ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

Terence Ranis