Umaabot na lamang sa 1,223 ang panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa nitong Sabado, Pebrero 26.

Sinabi ng Department of Health (DOH), bahagyang mababa ito kumpara sa 1,671 na naitala nitong Biyernes.

Dahil dito, nasa 3,669,020 na ang kabuuang kaso ng sakit sa bansa.

Sa naturang bilang, 1.5% na lamang o 53,934 ang nananatili pang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 2,400 pasyenteng gumaling sa sakit kaya umabot na sa 3,549,735 ang total COVID-19 recoveries sa bansa.

Nadagdagan din ng 128 na namatay sa COVID-19 kaya umabot na sa56,351 ang kabuuang bilang nito.