Hihimayin muna ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyong itaas sa ₱10 ang minimum na pasahe sa public utility jeepney (PUJ) sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

"Patuloy nating inaaral, may petition na natanggap natin. At ito ay naka-set for hearing ngayong March 8," sabi ni LTFRB Executive Director Maria Kristina Cassion sa isang panayam sa telebisyon nitong Sabado, Pebrero 26.

Nauna nang nanawagan ang mga jeepney operators sa gobyerno na magpatupad ng₱10 namininumna pasahe dulot na rin ng sunud-sunod na dagdag-presyo ng gasolina, diesel at kerosene.

Banta naman niPolitical Science and International Relations Professor Anna Malindog-Uy, asahan pa ang pagtaas ng presyo ng naturang produkto kasabay na rin ng kinakaharap na economic sanctions ng Russia nang lusubin nito ang Ukraine at lumikha ng giyera kamakailan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Ang government naman, ready na harapin kung sakaling tataas pa para ma-cushion din ang effect nito sa ordinaryong tao tulad natin," pahayag naman ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo kaugnay ng usapin.