Todo-tanggi ang Philippine National Police (PNP) sa viral na larawan ng mga bangkay na sinasabing kabilang sa 31 na nawawalang sabungero sa iba't ibang lugar sa bansa kamakailan.
"The apparent attempt to derail the investigation was uncovered in a social media post showing images of PNP SOCO (Scene of the Crime Operations) personnel conducting crime scene investigation on several bodies," paglilinaw ni PNP public information office chief, Brig. Gen. Roderick Alba.
Ito ang reaksyon ng PNP sa kumalat na post sa social media na nagsasabing ang mga bangkay na natagpuan sa Tanay, Rizal ay kasama sa mga nawawalang sabungero.
Gayunman, nang suriin ng pulisya ang larawan, natuklasang ang mga ito ay pawang biktima ng pananambang sa Guindulungan sa Maguindanao nitong Pebrero 12 kung saan siyam ang napatay at tatlo ang naiulat na nasugatan.
"The author of this disinformation will himself be investigated for his actions and a possible link to the case of the missing persons," ayon kay Alba.
Nitong Huwebes, sinimulan ng Senado ang kanilang imbestigasyon sa pagkawala ng 31 na lalaki na sangkot umano sa sabong at sa online version nito.
Iniutos na rin ng Senado saPhilippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na suspindihin muna ang lisensya ng mga e-sabong operators habang hindi pa natatapos ang imbestigasyon sa kaso.
PNA