Binalikan ng mga netizens ang naging pahayag ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio tungkol sa EDSA People Power Revolution noong 2019.

Pinutakte ng komento ang Facebook page ng isang news outlet kung saan makikita ang isang quote card ni Duterte-Carpio na nagsasabing: "Of course, we should protect democracy. We should never forget why EDSA Revolution happened."

"This is one of the days when we should review our history... If we really did justice to what happened last February 25," dagdag pa niya. 

Muling binalikan ito ng mga netizens dahil running mate ni Duterte-Carpio ang anak ni Marcos Sr. na si presidential aspirant Bongbong Marcos Jr.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

As of writing, wala pang pahayag si Duterte-Carpio tungkol sa ika-36 na anibersaryo ng EDSA Revolution na kasalukuyang ginugunita ngayong Biyernes, Pebrero 25.

Samantala, nagpahayag ng katapatan si Duterte-Carpio kay Marcos Jr. sa kabila ng mga bali-balita tungkol sa umuusbong na tandem nila ni Mayor Isko Moreno.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/25/sara-duterte-nagpahayag-ng-katapatan-kay-bongbong-marcos/