Iginiit ni reelectionist Senator Risa Hontiveros na kailanman ayhindi mababago ang katotohanan na resulta ng EDSA People Power revolution kahit na anongpagtatangka ng ilan upang baguhin ang kasaysayan.

Aniya, hindi rin imposibleng umapaw muli ang pag-asa sa ating bayandahil nagawa na ito at walang duda na magagawa ulit at higit salahat ay huwag magsawa ang sambayanan na labanan ang kasinungalingan.

"Paulit-ulit man na tangkain na burahin sa kasaysayan ang EDSA, hindimababago ang katotohanang pinagkaisa tayo para sa pangarap na mabuhayng may dignidad, karapatan at demokrasya sa sarili nating bayan.

Nang kunan naman ng reaksyon si reelectionist Senator Leila De Lima, sinabi niyang ang halalan ay isa sa ganansya ng People Power dahil malayang makapamili ang sambayanan ng kanilang kandidato.

"Ang mga nangahas na magsalita laban sa korapsyon, karahasan, atpang-aabuso ay ipinaaresto, tinorture, at 'yung iba, pinatay. Marami sakanila ay itinuring na lamang na mga ‘desaparecido’ o mga nawala.