Ngayong araw ang ika-36 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Gayunman, may nais iparating ang batikang mamamahayag na si Karen Davila.
"People Power Anniversary. What has this become?," ani Davila sa kanyang Twitter post nitong Biyernes, Pebrero 25.
Sinabi rin niyang huwag ito maging tungkol sa kahit anong political color kundi tungkol sa lahat ng bagay na ipinaglaban.
"People, show your true power. Let this not be about political color but about protecting everything we’ve fought for," dagdag pa niya.
Paalala ng batikang mamamahayag, "Think right. vote right."
Ginugunita ngayong araw, Pebrero 25, ang EDSA People Power Revolution o kilala bilang "Bloodless Revolution" kung saan milyun-milyong Pilipino ang matapang na nagtipon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) at nagsagawa ng protesta na kalauna’y nagtapos sa 21-taong diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.