Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) ngayong weekend.

Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dakong 11:00 ng gabi ng Biyernes, Pebrero 25, sisimulan ng DPWH ang pagsasaayos sa EDSA Northbound malapit sa Quirino Highway Exit; EDSA- Caloocan Southbound harapan ng Biglang Awa St. (4th lane buhat sa sidewalk); at EDSA- Northbound innermost lane (bus way) E. Rodriguez St. patungong C. Jose St. Pasay City.
Ang mga apektadong kalsada ay bubuksan sa trapiko sa Lunes, Pebrero 28 sa ganap na 5:00 ng madaling araw.
Pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na dumaan sa ibang mga lane upang hindi maabala.