Nanawagan si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga botante na pag-aralan nang mabuti ang katangian ng kanilang mga napiling kandidato sa halalan sa Mayo, aniya suportahan ang kandidato na maka-Diyos at makabansa.

“As we prepare for the coming elections, I urge everyone to undergo the process of discernment towards collective active response. This entails immersing ourselves in our socio-political realities and responding proactively in light of the principles of Catholic social teachings,” ani Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Binigyang-diin ng pinuno ng Simbahan ang panawagan ng Santo Papa na si Pope Francis para sa "better politics" na nakatuon sa kabutihan ng lahat.

“I am urging the faithful to choose candidates who are pro-God and pro-country and who are ready to serve with all honesty and humility,” aniya.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“During this turning point in our nation’s history, may our love for country be an authentic expression of our discipleship in Christ,” ayon pa sa cardinal.

Inilunsad kamakailan ng Manila archdiocese ang Catholic E-forum bilang bahagi ng kampanyang 'One Godly Vote' na pinamumunuan ng Radio Veritas sa pakikipagtulungan ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines at Catholic Media Network. 

Nilalayonng kampanya ay magabayan ang mga botante sa kanilang pagpili ng mga tamang pinuno para sa bansa.

“We particularly pray for our people as we choose our next leaders this coming May. We ask our fellow Filipinos to be ‘maka-Diyos kaya makabayan,’ to discern their choice well and go for leaders who embody and promote the values of the Kingdom of God,” ani Cardinal Advincula.

Christine Hermoso