KALINGA - Muling nakahuli ang mga tauhan ng Kalinga Provincial Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera ng dalawang turista habang ibinibiyahe ang ₱13 milyong halaga ng marijuana bricks sa ikinasang checkpoint sa Barangay Dinakan, Lubuagan, Kalinga nitong Biyernes ng umaga.
Kinilala ni PDEA Regional Director Gil Castro ang dalawa na sinaAldren Paul Cabanes Pacion, 25, at Jaymor Sacatani Eusebio, 31 kapwa taga-Brgy. San Vicente, Tuao, Cagayan.
Nilinaw ni Castro na naharang ang dalawa habang patungong Cagayan sakay ng L-300 van na may plakang ICL-2669 kung saan nakakarga ang nasabing iligal na droga dakong 4:00 ng madaling araw.
Nasamsam sa dalawa ang 113,000 na gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng₱13,560,000.
Nitong Pebrero 15, lima ring turista ang naaresto ng mga awtoridad matapos masamsaman ng₱2.5 milyong halaga ng marijuana bricks sa isan checkpoint sa Brgy. Lubuagan.
Nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.