Inatasan ng Senate Committee on public order and dangerous drugs ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na suspindihin ang license to operate ng lahat ng operator ng online sabong sa bansa sa gitna na rin ng pagkawala ng 31 na sabungero sa magkakahiwalay na lugar kamakailan.
Sa mosyon ni Senate President Vicente Sotto III, agad itonginayunan ng nabanggit na komite kung saan nagmungkahi din si SenatorFrancis Tolentino na tanggalin na din ang Gcash account ng esabongpayment dahil wala namang kontrol ang mga ito sa mga mananaya.
Sa isinagawang pagdinig, natuklasan na marami rin ang paglabag sa batas ngoperasyon nito katulad ng walang regulasyon kung sino ang mgamananaya na kadalasan ay mga menor de edad pa, at mga public officials.
Dismayado rin ang komite matapos na mabatid na walang closed-circuit television (CCTV) camera ang tatlong sabungan kung saan dinukot ang mga sabungero.
Binanggit naman ng chairperson ng komite na si Senator Ronald Dela Rosa na sa kabila ng milyun-milyong kita kada araw ng mga online ay wala pa rin silang sariling CCTV.