Aabot sa 76.5 gramo ng umano'y shabu na nagkakahalaga ng ₱520,200 ang nakumpiska sa pitong suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Southern Police District (SPD) sa Taguig City nitong Huwebes, Pebrero 24.

Kinilala ni SPD Director, Brig. General Jimili Macaraeg ang mga suspek na sina Rasul Gaylon, 18; Camilla Tabawan, 32; Dennis Ramir Bonifacio, 35; Samson Taha, 18; Litlie Laguialam, 23; Naora Saadudin, 38; at Theresa Reciproco, 41, pawang taga Taguig City.

Sa ulat nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa Block 1, Lot 12, Old Housing, Brgy. Maharlika, Taguig City, dakong 2:45 ng madaling araw ng Huwebes, na nagresulta ng pagkakaaresto ng pitong suspek.

Nasamsam sa mga suspek ang ilang pakete na naglalaman ng 'shabu', marked money, digital weighing scale at plastic bag.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nasa kustodiya ngayon ng DDEU ang pitong suspek na nakatakdang sampahan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang itinurn-over naman ang mga narekober na ilegal na droga sa SPD Forensic Unit para sa chemical analysis.

“Pinupuri ko ang ating mga operatiba na nagsagawa ng anti-illegal drugs operations na humantong sa pagkakaaresto ng pitong indibidwal at pagkakakumpiska ng malaking halaga ng shabu. Ito ay higit na makakatulong sa ating kampanya sa illegal na droga sa ating nasasakupan,” ayon kay Macaraeg.