Kabilang sa final 12 line-up ng Gilas Pilipinas na isasabak kontra India ang mga bagitong sina Kib Montalbo at Tzaddy Rangel sa pagsisimula ng second window ng2023 FIBA World Cup Asian qualifiers sa Smart-Araneta Coliseum sa Biyernes, Pebrero 25.
Tuloy na ang debut ng dalawang nabanggit na manlalaro kung wala ng babaguhin ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa kanilang inilabas na line-up.
Kapwa first timer sina Montalbo at Rangel sa national team.Ang 26-anyos at 6-foot guard na si Montalbo ay kasama sa mga hinugot sa koponan ng TNT na kinabibilangan nina Poy Erram at national team member Troy Rosario.
Isa namang Gilas drafteeang 25-anyos at 6-foot-7 big man na si Rangel at na-draft ng NLEX nitong nakaraang 2021 PBA draft.
Ang iba pang napili para sa final 12 ay sina naturalized player Angelo Kouame, Thirdy Ravena, Dwight Ramos, Juan Gomez de Liano, Lebron Lopez at mga Gilas draftees William Navarro at Jaydee Tungcab.
Makakatapat nila ang 12 players na ipinadala ng India para sa second window na kinabibilangan nina Amritpal Singh, Vishesh Bhriguvanshi, Muin Bek Hafeez, Princepal Singh, Pranav Prince ng NBA Academy, Aravind Annadurai, Manoj Belur Manjunatha, Palpreet Singh Brar, Rajeev Kumar, Arvind Kumar Muthu Krishnan, Prashant Singh Rawat at Sahaij Pratap Singh Sekhon.
Marivic Awitan