Sinagot ng aktres na si Ellen Adarna ang tanong tungkol sa pagkokonsidera nila ng asawang si Derek Ramsay ngprenuptial agreement.

Sa isang Instagram story ni Ellen na nireupload sa TikTok ng Derek&EllenFan, mabilis at mariing sinagot ng aktres ang tanong na: “I know both of you and your husband are both well off but did you guys ever consider prenup agreement?”

National

Inflation, 'most urgent concern' na dapat pagtuunan ng PBBM admin -- OCTA

Sey ni Ellen, “So many people asked me and Derek this and this is a very personal question. So let us put it this way.”

“Hindi ako lugi kay Derek at si Derek hindi lugi sa akin. So patas ang show,” dagdag pa niya.

Hindi lingid sa kaalaman ng mga supporters at mga nakakakilala kay Ellen na galing sa mayamang pamilya ang akrtes. Ang pamilya niya ay may-ari ng ilang real-estate businesses dito sa bansa.

Habang si Derek naman ay may sariling mga business katulad ng gym, food park, at family-owned electronic system.