Nanguna nanaman si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bilang pinaka gustong presidential candidate sa isang survey na kamakailang isinagawa ng isang campaigns management firm.

Sa isinagawang survey ng Pahayag National Election Tracker ng Publicus Asia, para sa buwan ng Pebrero, ipinakita na 52.3% sa 1,500 respondents sa buong bansa ang pumili kay Marcos Jr. na maging presidente sa susunod na anim na taon. 

Sumunod naman ang katunggali ni Marcos Jr. na si Vice President Leni Robredo na 22.3%.

Pangatlo si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na may 8.9%. Ang kanyang survey result ay parehas sa porsyento ng mga undecided.

Nakakuha ng 3.3% si Senador Ping Lacson; 2.7% si Senador Manny Pacquiao; at labor leader Ka Leody de Guzman, 0.7%.

Sa Metro Manila, nanguna si Robredo kay Marcos Jr. matapos makakuha ng 38.9% ng total votes habang 34.3% naman si Marcos Jr.

Samantala, sinabi ng Publicus Asia na nangunguna pa rin si Marcos Jr. sa iba pang regional areas.

Joseph Pedrajas