Nakapagtala muli ang Department of Health (DOH) ng mahigit sa 1,000 lamang na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Huwebes.

Sa pahayag ng DOH, ito na ang ikaanim na araw nang makapagtala sila ng mahigit sa isang libong kaso ng sakit. Nitong Pebrero 24, aabot pa sa 1,745 ang bagong nahawaan ng virus.

Matatandaang Disyembre 2021 pa nang huling makapagtala ang Pilipinas ng mahigit sa 1,000 kaso lamang ng COVID-19 o bago pa makapasok ang Omicron variant ng virus.

Ngayong taon naman, unang bumaba sa mahigit 1,000 lamang ang mga naitatalang bagongkaso ng COVID-19 noong Pebrero 19, na umabot sa 1,923.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Noong Pebrero 20, nasa 1,712 lamang ang naitalang bagong kaso; 1,427 naman ang naitala noong Pebrero 21; 1,019 noong Pebrero 22; at 1,534 noong Pebrero 23.

Ayon sa DOH, sa ngayon ang Pilipinas ay mayroon ng kabuuang 3,657,342 total COVID-19 cases.

Sa naturang bilang, 1.5% na lamang o 55,079 ang nananatili pa ring aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman.

Sa mga aktibong kaso, 49,927 ang mild cases; 2,788 ang moderate cases; 1,428 ang severe cases; 637 ang asymptomatic at 299 ang critical cases.

Mayroon pa rin namang karagdagang 188 pasyente ang namatay sa sakit kaya umabot na ito sa kabuuang56,165.