Usap-usapan ngayon sa TikTok ang ibinahaging video ng user na si 'Malagu Kuh' kung saan makikita ang malaki at lagpas-taong snow sculpture ng mukha ni presidential aspirant Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr.
Ayon sa kaniyang caption, isang nagngangalang 'Ed Sanchez' umano ang gumawa ng naturang snow sculpture ni BBM, isang Pilipino na kasalukuyang naninirahan sa Winnipeg, Manitoba, Canada.
Sinaliwan pa niya ito ng awiting 'Roar' ni Katy Perry. Matatandaang ang taguri kay BBM ay 'Tigre ng Norte' ayon na rin sa pakilala sa kaniya ni Toni Gonzaga noong UniTeam proclamation rally na naganap noong Pebrero 8 sa Philippine Arena.
"Ed Sanchez po ang name niya… here in Winnipeg Mb. Canada," saad sa caption.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen, lalo na sa mga BBM supporters.
"That is amazing!"
"Grabe ang galing, astig!"
"Super talented naman niyan! Galing!"
"Pangmalakasan! BBM is our next president, sure na 'yan!"
Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 38.1K ang like reaction sa naturang TikTok video.