Ipinagharap na ng kaso ang isang pulis kaugnay ng pamamaril nito sa isang lalaking estudyante saBarangay Sacred Heart, Quezon City kamakailan.

Ang suspek ay kinilala ni Kamuning Police chief, Lt. Col. Alex DJ Alberto, na si Cpl. Reymark Rigor, 28, na nakatalaga rin sa QC Police District Station 10 (Kamuning).

Kinasuhan si Rigor ng frustrated murder at paglabag sa Republic Act 10591 o “illegal possession of firearms and ammunition.”

Nag-ugat ang kaso nang barilin ni Rigor si Adrianne Castor, 22, taga-Brgy. Siena, QC, saScout Rallos Street sa Brgy. Sacred Heart nitong Pebrero 8 ng gabi.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Naiulat na pauwi na sana ang biktima , sakay ng taksi nang bigla harangin ng suspek na umano'y nasa impluwensya ng alak ang kanilang daanan habang sakay ito ng motorsiklo. Kaagad umanong bumaba ang suspek sa kanyang motorsiklo at tinutukan ng baril si Castor.

Gayunman, nag-alangan ang suspek at bumalik sa kanyang motorsiklo at pinaharurot hanggang sa sumemplang.

Dahil nakaharangang motorsiklo sa kalsada, agad na bumaba ang biktima at inasistihan nito ang driver ng taksi upang magmani-obra. Gayunman, tumayo ang suspek at pinaputukan nito si Castor.

Pagkatapos ng insidente, sumuko si Rigor sa kanilang presinto at isinuko ang service firearm na 9mm pistol.

Aaron Dioquino