Hindi kailanman gumamit ng helicopter ng Philippine National Police (PNP) si presidential aspirant Panfilo "Ping" Lacson para sa kanyang personal na lakad noong hepe pa ito ng pulisya ng bansa.
Reaksyon ito ni Lacson kaugnay ng pagbagsak ng PNP H125 Airbus helicopter sa Real, Quezon habang sinusundo si PNP chief, Gen. Dionardo Carlos sa Balesin Island sa Polillo, Quezon nitong Linggo ng umaga na ikinasawi ng isang pulis at ikinasugat ng dalawang opisyal.
"Sinabi nanila,investigation is underway. Dapat huwagi-preempt. Simple lang naman 'yun eh. Official function ba ang pagpunta o pag-ferry sa kanya o pag-pick up sa kanya ng helicopter?" sabi ng senador sa isang panayam sa telebisyon.
"Kung official function, walang problema 'yun. Pero kung personal, sakanyangpersonal, pribadong sabihin nating situation, meron talagang mali. Ako nag-chief PNP ako, I never used PNP resources, choppers for my personal needs,” paglilinaw ni Lacson.
Gayunman, inihirit ni Lacson sa mga nag-iimbestiga na dapat ding siyasatin ang tinatawag na "gray area" na naging dahilan ni Carlos upang magpasundo ng helicopter.
"Kasi there's no doubt inamin na niya personal niya ang Balesin. Pero sabihin din natin kailangan siya bumalik ng Crame dahil may gagampanan siyang official function kaya siya nagpasundo dahil ang kaniyang private flight ay 'di available. 'Yun ang gray area dun,” sabi nito.
Kabilang sa mga nag-iimbestiga sa insidente ang PNP at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Nauna nang naiulat na nagtungo si Carlos sa nasabing private resort island, kasama ang pamilya, nitong Linggo ng hapon at kinabukasan ay nagpapasundo ito sa helicopter ng PNP upang dumalo umano sa flag-raising ceremony, nang maganap ang insidente.