Hindi na nakaporma ng Phoenix Super LPG nang talunin sila ng San Miguel, 104-99 sa kanilang laro sa PBA Season 46 Governors' Cup sa Ynares Center nitong Miyerkules.

Tumabo si Orlando Johnson ng 23 puntos na dinagdagan ng 22 puntos ni Vic Manuel. Ito na ang ikalawang sunod sa limang panalo ng Beermen sa kanilang walong laro.

Nagdagdag pa si Marcio Lassiter ng 18 points kaya naging 4-4 panalo-talo na ang kartada ng Phoenix.

“Talagang parang roller coaster kami dahil first two games namin, natalo kami and then nanalo kami tatlong sunod, natalo kami and then nanalo kami dalawang sunod," sabi naman ni SMB coach Leo Austria.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

"So far, so good naman because going to the resumption, we were so excited because our team is playing well in practice. You can see the body language of the playersna theyare determined to play good basketball,” dagdag pa nito.

Pinangunahan naman ni Matthew Wright ang Phoenix sa nakuhang 24 puntos habang nagdagdag naman ng 12 at 20 puntos sina Jason Perkins at Dominique Sutton, ayon sa pagkakasunod.