Binigyang-diin ni Vice Presidential candidate Vicente “Tito” Sotto III nitong Miyerkules, Pebrero 23 ang pangangailangan ng education authority na bigyan ng lubos pagpapahalaga ang kasaysayan, kabilang na ang deklarasyon ng martial law noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa kurikulum ng edukasyon sa Pilipinas.

Itinuro ni Sotto ang kanyang apela sa Department of Education (DepEd).

“We should look at the curriculum. Ang history malakas pa ba sa educational system natin? Dapat palakasin pa din,” ani Sotto sa isang panayam sa kanilang Batangas campaign sortie ng kanyang ka-tandem at Presidential candidate Sen. Ping Lacson.

“Yung ang isang tingnan natin. Dapat asikasuhin ng DepEd,” dagdag ni Sotto.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Muling iginiit ni Sotto ang kanyang paniniwala na walang historical revisionism, tanging disinformation lang.

Ito ang pahayag dalawang araw bago ang ika-36 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution na nagpatalsik sa diktatoryal na rehimen ni dating pangulong Ferdinand Marcos.

Sinabi ni Sotto na naniniwala siyang walang sinuman ang makakapag-rebisa sa nangyari noong 1986 at ang “flame of EDSA should remain.”

“Hindi natin mababago ang history. Nangyari ‘yun. Di ba kaya inaalala ng karamihan,” sabi ng Senate leader.

“Mayroong mga iba gustong kalimutan pero nangyari,” pagpapatuloy niya.

“We can never revise history. You can only start disinforming people, yes, but that’s not revising history. History happened and it is there,” ani Sotto.

Hannah Torregoza