Inirekomenda na ng Metro Manila Council (MMC) sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na isailalim na ang National Capital Region (NCR) sa COVID-19 Alert Level 1 simula sa Marso 1.

Sinabi ni MMDA Officer-in-Charge at General Manager Romando Artes na nagkasundo na ang lahat ng alkalde ng Metro Manila upang ibaba pa ang alert level dahil na rin sa bumababa na ang bilang ng kaso ng sakit.

"The resolution was already sent to the IATF earlier today. The basis of the MMC to ease the restrictions in the region is to open up the economy to ensure job generation,” sabi ni Artes sa ginanap na press briefing sa MMDA headquarters sa Makati City.

“The NCR's positivity rate for COVID-19 is now at 4.64 percent, way below the 5 percent standard of the World Health Organization," aniya.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Binanggit nito ang COVID-19 Situationer ng Department of Health sa NCR nitong Pebrero 21 kung saan naabot na ang 32 porsyentong kumpirmadong mga kaso sa bansa; ang distribusyon ng RT-PCR test, at ang positivity rates ng LGU ay nagpakita ng Regional Average Positivity Rate na 4.64%.

Tanging ang NCR na lamang aniya ang nasa low risk classification batay na rin sa dalawang linggong growth rate at average daily attack rate.

Kamakailan din aniya ay naitala ang downward trend sa Health Care Utilization Rate (HCUR) at COVID-19 Bed Utilization Rate sa rehiyon.