Tila may pinatututsadahan ang “Kape Chronicles” director na si Darryl Yap sa pinakabagong Facebook post nito kaugnay ng umano’y mga artistang “nagmamalinis” kahit sangkot naman sa ilang “kalaswaan.”
Tila isang pagbabanta ang binitawan ng kontrobersyal na si Darryl sa panibagong pasabog nito sangkot ang mga artistang sangkot umano sa ilang "malaswang" aktibidad na aniya’y “matapang” kung “magmalinis.”
"Kung sino pa yung mga artistang nagp*p*kp*k—sila pa yung matapang magmalinis,” isang matinding alegasyon ni Darryl sa hindi pinangalanang mga artista nitong Miyerkules, Pebrero 23.
Muli itong humirit sa parehong Facebook post at nagkomento pang ibubulgar ang ilang “screenshots” na umano’y patunay niya sa naunang paratang.
“Sa susunod na magmalinaw, post ako ng mga screenshots ng chats, messages at pictures,” dagdag na saad ni Darryl.
Matatandaang naging laman ng sari-saring reaksyon si Darryl sa kamakailang “Kape Chronicles” series nito tampok ang isang “Len-len” na bagaman hindi isang “political content” ay pinalagan ng mga tagasuporta ni Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo.
Tampok din sa series ang kapatid ni Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos na si Senador Imee Marcos.
Isang masugid na tagasuporta ng BBM-Sara UniTeam ang direktor.
Kilala si Daryl sa kanyang mga obra kabilang ang "Jowable," "Sakristan," "Tililing," bukod sa iba pa.