Iniulat ng Department of Health (DOH) Ilocos Region nitong Miyerkules na patuloy na bumababa ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sinabi ng DOH Ilocos Region na nitong Miyerkules ay nakapagtala lamang sila ng 45 bagong kaso ng COVID-19 kaya umabot na sa kabuuang 21,139 ang mga kaso nito, mula Enero 1 hanggang Pebrero 21, 2022.
Naitala ng Ilocos Sur ang panibagong 13 na kaso ng sakit, 12 sa Pangasinan, siyam sa La Union at walo sa Ilocos Sur.
Wala namang naitalang bagong kaso ng sakit sa Dagupan City.
Sa datos naman ng DOH Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), 1,645 (1.4%) na ang aktibong kaso at 111,427 (96.5%) na ang nakarekober at 2,449 (2.1%) deaths.
Paglilinaw ni Regional Director Paula Paz Sydiongco na ang mga kaso sa rehiyon ay patuloy na bumababa, gayunman, binigyang-diin na hindi ito nangangahulugang dapat nang maging kampante at kailangan pa ring sumunod sa safety measures dahil nasa pandemya pa ang Pilipinas.
“We must continue observing safety health protocols even as the alert has gone down to second level. The COVID virus is still here that is why it is important that the we continue our vaccination activities to complete the three doses needed for the full protection of our population,” ani Sydiongco.
Nitong Pebrero 16, ibinaba na ng Ilocos region sa Alert Level 2 ang kanilang lugar.