Pinalagan ng PCADG Region 12 ang kumakalat na campaign photo ni Kapamilya actor Mark Manicad, na hayagang sumusuporta kay presidential candidate at Vice President Leni Robredo, habang nakasuot ng uniporme ng Philippine National Police o PNP.

Mababasa sa art card ni Manicad ang mga pahayag na "Si Leni ang Pangulo na bukas ang tenga at puso sa kahit ano man na kulay na Pilipino. Pinoy ka, dapat mahal mo ang kapwa at bayan mo, kaya dapat si Leni."

Sa litrato nito, makikitang nakasaludo si Manicad at nakasuot ng uniporme ng pulis, batay sa kaniyang karakter bilang pulis sa teleseryeng 'FPJ's Ang Probinsyano' ng Kapamilya Network.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

May be an image of 1 person and text that says '
Screengrab mula sa FB/Mark Manicad

Ayon sa pahayag ng PCADG Region 12, ang ginawa ni Manicad ay 'irresponsible use of the PNP uniform, which created a misconception of PNP being a partisan body" nitong Pebrero 21, 2022.

"We are calling on the owner of the concerned Facebook page and actor Mark Manicad to remove the post in question and to issue a proper apology," pahayag pa ng PCADG Region 12.

Nilinaw din nila na non partisan body ang kapulisan at hindi bahagi ng PNP si Manicad.

Samantala, sinusugan naman ito ng PCADG Cagayan Valley.

"The campaign photo circulating online which shows actor Mark Manicad wearing a PNP uniform is an irresponsible act of misrepresentation and a clear disregard for the integrity of the PNP uniform," ayon sa kanilang Facebook page.

May be an image of 2 people and text that says 'follow on Region12 February 21, 2022 MATI NAL HEADOL ATERS ATINAL PO We are calling on the owner of the concerned Facebook page and actor Mark Manicad to remove the post in question and to issue 0 proper apology for the irresponsible use of the PNP uniform, which created a misconception of PNP being a partisan body. PCADG REGION 12 #PNPWeserveandProtect'
Larawan mula sa FB/PCADG Region 12

"Article IX-B, Section 2(b), paragraph 4 of the 1987 Constitution states that 'no officer or employee in the civil service shall engage, directly or indirectly, in any electioneering or partisan political campaign."

"The Philippine National Police will always be an apolitical and a non-partisan organization."

May be an image of 1 person and text
Screengrab mula sa FB/PCADG Cagayan Valley

Samantala, wala pag tugon o pahayag si Manicad tungkol dito, bagama't kung titingnan ang opisyal na Facebook page ni VP Leni, makikitang hindi naman nakasuot ng uniporme ng pulis ang aktor sa kaniyang campaign photo. Hindi pa malinaw kung siya ba talaga ang gumawa ng naturang art card o ibang tao.

May be an image of 1 person and text that says '
Mark Manicad (Larawan mula sa FB/VP Leni Robredo)