Patay ang isang rapper matapos pagbabarilin ng tatlong lalaking suspek sa harapan ng dental clinic sa Muntinlupa City nitong Lunes, Pebrero 21.

Rapper Jumer Galicia, aka OG Kaybee (Photo from kaybee187Official on Facebook)

Dakong 9:19 ng gabi nang bawian ng buhay sa Ospital ng Muntinlupa ang biktima na kinilalang si Jumer Galicia y Ramirez, alyas OG Kaybee, 32, residente sa Dama De Noche Street, Arellano Avenue, Singalo, Manila, sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan.

National

Signal No. 3, itinaas na sa 2 lugar sa Luzon dahil sa bagyong Nika

Patuloy pang inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng tatlong salarin na pawang nakasuot ng puti na t-shirt at maong pants, nakasakay sa puti na van.

(Muntinlupa Police0

Sa isinumiteng ulat sa Southern Police District nina CMS Mark Sherwin Forastero at CMS Dindo Amparo, mga imbestigador ng Investigation and Detective Management Section ng Muntinlupa City Police, naganap ang pamamaril sa Alabang Viaduct, harapan ng Dental Clinic, Brgy. Alabang, dakong 8:00 ng gabi.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon at sa salaysay ng mga saksi na sina Benzon Malubay, 36, online seller/rapper at Marlon De Guzman, 32, Disk Jockey, na kasama nila ang biktima na nagpunta sa isang clothing store sa 1404 National Road, Alabang, Muntinlupa City.

Sa kanilang pagbabalik sa kanilang sasakyan na black Toyota Avanza na may plakang AAL-2193 na nakaparada sa lugar, biglang huminto sa kanilang tabi ang isang puti na van na sakay ng tatlong suspek at biglang pinaulanan ng bala ang biktima gamit ang hindi pa batid na kalibre ng mga baril.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek patungong Southbound Alabang, Muntinlupa City.

Kaagad na rumesponde ang mga tauhan ng Alabang Police Sub-Station at ng Alabang Rescue Team na nagdala agad sa biktima sa pagamutan subalit binawian ng buhay kalaunan sa deklarasyon ng attending physician na si Dr. Lawrence Domingo.

Dinala ang labi ng biktima sa Our Lady of Loreto Funeral Services para sa awtopsiya.

Lumilitaw sa imbestigasyon na ang biktimang si Galicia ay dating naharap sa kasong murder at nakulong sa Manila City Jail magmula 2013 at nadismiss noong 2018.

Patuloy ang isinasagawang follow-up operation ng mga pulis sa naturang kaso para sa posibleng pagtukoy at pag-aresto sa mga suspek.