Hayagang ipinakita ng premyado at batikang manunulat na si Lualhati Bautista ang pagsuporta sa kandidatura ng Leni-Kiko tandem sa pamamagitan ng kaniyang bagong profile photo sa social media.

Sa kaniyang Facebook account, makikitang nakasuot ng kulay pink na damit si Bautista at sa kaniyang likuran ay poster ng Leni-Kiko tandem, habang sa gilid niya ay may mga bulaklak na kulay pink. na nakapatong sa mesa.

"Hindi pa tapos ang laban ng bayan. Harapin natin ang hamon ng ating panahon," saad ni Bautista sa kaniyang caption.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Larawan mula sa FB/Lualhati Bautista

Si Bautista ay kilalang nobelista at feminista. Isa sa mga sumikat na nobela niya ay ang 'Dekada '70' na tumatalakay sa kalagayan ng Pilipinas noong 70s, sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., partikular sa pamamayani ng Batas Militar.

Naisapelikula na ang nobelang ito na naiprodus ng Star Cinema noong 2002 na pinagbidahan nina Vilma Santos, Christopher De Leon, Piolo Pascual, Carlos Agassi, at John Wayne Sace.

Noong Enero 27, ipinagmalaki ni Bautista na nakatanggap siya ng email mula sa Vice President at Publisher ng Penguin Classics ng Penguin Random House na si Elda Rotor mula sa New York, USA, na balak umanong ipalimbag ang nobelang ito sa wikang Ingles. Aniya, natanggap daw niya ang e-mail noong Enero 5, 2022.

"I would like to introduce myself as the publisher of Penguin Classics. I had learned about your modern classic Dekada 70 from my International Sales colleagues and was intrigued by the work and its impact and study in Philippine classrooms. I read your English translation of Dekada 70 and found the Bartolome family’s story in the era of Martial Law, especially from the mother Amanda’s perspective, very moving, timely, and propulsive and see the potential for your classic for a wider English-language audience, especially students, outside the Philippines," bahagi ng e-mail na ibinahagi ni Bautista.

"I know that you are currently self-publishing and distributing the English translation. I would like to know if World English rights are available (including non-exclusive in the Philippines) and if you would be interested in discussing the possible publication of Dekada 70 as a Penguin Classics edition. Are rights available for print, eBook and Audio formats?" dagdag pa.

Noong Enero 8, ibinahagi rin niya ang kaniyang saloobin hinggil sa pagkakaroon ng pagkakaiba sa paniniwala ng mga magkakaibigan.

Screengrab mula sa FB/Lualhati Bautista

"Long time ago, narinig ko ang mga salitang ito kaugnay ng salungatan ng prinsipyo ng isang grupo. 'Kung hindi ka kakampi, kaaway ka.' Harsh 'no? Walang middle ground?" aniya.

"Kaaway na ba ang isang kaibigan dahil magkasalungat kayo ng prinsipyo? Ewan ko. Baka ang susubok diyan ay ang bigat o gaan, ng kanilang pagkakaibigan."

"Hindi ako sumagot minsan man sa mga nagsalita laban sa kanya. Hindi nag-comment minsan man, hindi sumagot ni minsan man sa mga pm o mga interview na sasagi sa isyu na kinasangkutan niya. Pero hindi ibig sabihing hindi ako nagagalit, o nabibigo. O nasasaktan, o nalulungkot sa mga pananaw niya na salungat sa mga sariling paninindigan ko."

"Ibig sabihin lang ay ayaw kong magsalita sa social media. Kukuyugin lang siya sa social media. Ayoko siyang kuyugin. Kaibigan ko siya."

"Mahalaga sa akin ang malasakit at importansiya na ibinigay namin sa isa't isa. Sa isang kaibigang minahalaga ko at nagpahalaga sa akin, ito ang mga alaala na mas pipiliin kong alalahanin."