Sinabi ni Pangulong Duterte na masaya siya na nagawa niyang tuparin ang kanyang pangako sa kampanya na palakasin ang buong hanay ng mga militar sa kabila ng limitadong kita ng gobyerno.

Sa kanyang "Talk to the People" public address na ipinalabas noong Lunes ng gabi, Pebrero 21, inalala ni Duterte ang pangakong kanyang ginawa na palakasin ang militar sa pagsisimula ng kanyang administrasyon.

“I think it was in Jolo, where I said that ‘I will leave my office with a strong military.’ That’s what I promised and within our limited income, dito sa gobyerno, setting aside the small but equitable portion of it in the military, naibigay ko naman siguro, especially in the upgrade of the armaments,” ani Duterte.

Ginawa ni Duterte ang komento matapos iulat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang modernization program sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang pagdodoble ng suweldo ng lahat ng mga tauhan ng militar at mga pensiyonado.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“As I ponder on the last paperwork that I have to work on, nakikita ko ‘yung mga promotions ng mga sundal… I am comfortable with the thought that I have done my best, lalo na ‘yung ipinangako ko sa military,” sabi ng Pangulo.

Iniuugnay din ng Punong Ehekutibo ang kanyang mahabang panunungkulan bilang alkalde ng Davao City na nagpaunawa sa kanya kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa pulisya at militar.

“Hindi lang ito campaign slogan. Ito ay isang bagay na ginawa ko noong ako ay nasa mga taon bilang alkalde at, alam mo, kailangan mong magkaroon ng kaugnayan sa pulisya at militar para magtagumpay ka," dagdag niya.

“Let it be a policy that you care for people who die for you… So I made that promise to — I said that ‘I would double your salary’… Maligaya ako that in the hindsight, ang laking tulong sa fighting spirit ng mga sundalo pati pulis,” ani Duterte.

Gayunman, aminado si Duterte na hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng ilang tauhan na tatalima sa serbisyo dahil mahirap ding magtanim ng disiplina sa bawat isa sa isang malaking organisasyon.

“Always, as always, there will be scalawags in a big organization, especially like the police and the military. But in the end, you are always rewarded,” aniya

“One or two will not really spoil your administration. One or three, four, even five scalawags, there is still a room for improvement for the organization to prosper,” pagpapatuloy ng Pangulo.

Alexandria Denisse San Juan