Sa kaliwa't kanang gitgitan sa mga campaign event, kailangan umanong maging maselan ang mga awtoridad bago magpasya na ilagay ang bansa sa ilalim ng Alert Level 1 na siyang pinaka-relax na health protocol system laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa isang briefing nitong Martes, Peb. 22, si Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya ay nagpahayag ng matinding pagkabahala sa posibilidad na magpataw ng mas maluwag na Alert Level system sa dahilang mahirap ang pagpapatupad ang minimum public health standards (MPHS) lalo na sa pagsisimula ng local campaign period sa Marso 25.

“Dapat po pag isipan maiigi . Pero kung mayors tatanungin nakahanda na sila for Alert Level 1,” ani Malaya.

Bago bumaba sa Alert Level 1, binigyang-diin ni Malaya ang pangangailangang tiyakin ang maayos na bentilasyon sa lahat ng mga lugar kung saan nagtatagpo ang mga tao, palakasin ang programa ng pagbabakuna ng bansa laban sa coronavirus disease-2019 (COVID-19), himukin ang mga establisyimento kabilang ang mga simbahan na mag-aplay para sa sertipikasyon ng safety seal sa magkaroon ng third party assessment kung sumusunod sila sa mga regulasyon ng gobyerno.

National

VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!’

Sa National Capital Region (NCR), binanggit ni Malaya na ang mga lockdown area ay nasa Maynila lamang kung saan 45 pamilya at 204 na indibidwal ang apektado.

Upang mapalakas ang programa ng pagbabakuna sa COVID-19 sa bansa, binanggit ni Malaya ang pangangailangan ng pamahalaan na tumutok sa inoculation ng mga indibidwal sa ilalim ng kategoryang A2 at A3 na nagpapakitang tinatayang tatlong milyong senior citizen pa ang nananatiling hindi nabakunahan.

Sa ilalim ng mga prayoridad sa pagbabakuna sa COVID-19 ng bansa, ang mga senior citizen ay inuri sa ilalim ng A2 group habang ang mga taong may comorbidities ay kabilang sa A3 bracket.

“So we must at least vaccinate 80 percent of them para confident tayo pumasok sa Alert Level 1 even if election period,’’ ani Malaya.

Dagdag pa, ipinaliwanag ni Malaya na nagkaroon ng COVID-19 surge sa India noong nakaraan dahil sa kanilang halalan at mga religious event kung saan nagkumpol-kumpol ang mga tao.

Tinukoy ng tagapagsalita ng DILG ang pangangailangan ng gobyerno na dalhin ang mga bakuna sa antas ng barangay dahil karamihan sa mga hindi pa bakunado ay nagmumula sa mga kanayunan.

Kapag kinakailangan, binanggit ni Malaya na ang mga bakuna ay maaaring ilapit sa mga tao sa pamamagitan ng kampanya sa pagbabakuna sa bahay-bahay.

Aniya pa, nanindigan si Malaya na ang pinaigting na programa ng pagbabakuna ng gobyerno ay dapat na paigtingin pa bago magsimula ang panahon ng kampanya sa lokal na halalan.

Chito A. Chavez