Nais ni Opposition Senator Leila de Lima na magkaroon ng dagdag na teaching assistant para tulungan ang mga lokal na guro sa kanilang mga gawaing administrasyon at sa ganoon matutukan din nila ang pagtuturo sa mga estudyante.

"Yung mga teachers natin, professionals ‘yan ay highly educated pero dahil napakarami nilang ginagawa, minsan nagiging COMELEC assistant at kung anu-ano pang pinapagawa ng local government, nakakalimutan natin

na teachers at professionals sila who are specifically trained para magturo ng bata,” ani de Lima nitong Martes, Pebrero 22.

Aniya, sa ganitong paraan 80% ng gawain ng mga guro ay para sa pagtuturo lamang at hindi na umano sila dapat binubugbog sa mga administrative duties dahil ang mgateaching assistants na gagawa sana ng napakaraming paper works na hindi naman direktang may kinalaman sa pagtuturo .

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Naniniwala din si de Lima na napakahalaga ng edukasyon na prayoridad alinsunod sa ating saligang-batas.