Matapang na binanatan ni Maymay Entrata ang isang Youtuber matapos mag-upload ng video sa YouTube account na nagsasabing hindi totoong jowa ni Maymay ang Canadian na si Aaron Haskell.

Matatandaang nag-trending ang Instagram post ni Maymay noong Valentine’s Day, Pebrero 14, na kasama si Aaron. Marami sa mga netizen ang nagsabing ito ang jowa reveal ng actress-singer. May mga napapa-sana all kay Maymay dahil pinanindigan naman talaga ang pagiging 'Amakabogera' niya! Sino raw ba ang mag-aakalang may jowang foreigner si Maymay lalo't ang mga mata ng lahat ay nasa kanila ng katambal na si Edward Barber?

Ngunit sa kaniyang latest tweet, Pebrero 22, 2022, tila may pagbabanta ang tono ni Maymay sa YouTuber na si TheCardoding Show.

Ipinakakalat umano nito na ang jowa ni Maymay ay peke, kagaya sa hit documentary film sa Netflix na 'The Tinder Swindler'.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"FAKE NEWS!! Kapag di n'yo po buburahin at patuloy n'yo pong pag-spread ng false information para manira ng buhay ng ibang tao, wag n'yo na po sanang hintayin na aabot tayo sa husgado. Maraming salamat po," pagbabanta ng kabogerang Kapamilya actress-host-model.

Screengrab mula sa Twitter/Maymay Entrata

Sa kasunod na tweet, naka-mention pa ang Youtuber na si TheCardoding Show.

Sa ngayon, nabura na sa YouTube ang video at bumuhos naman ang suporta ng mga netizens kay Maymay tungkol sa issue.

"Maging happy ka na lang po. Wag mo na sila patulan kung hindi naman totoo ang balita. Sayang oras at pera n'yo kung ipaabot n'yo pa sa husgado. Ignore them na lang po."

"Nakkk Sumusobra na talaga 'yan si Cardoding ipadampot mo na 'yan…"

"If you can't respect her decisions and choices as your idol, at least respect her as a person."

Samantala, habang isinisusulat ang balitang ito ay nasa trending list ng Twitter ang RESPECT MAYMAY.

Screengrab mula sa Twitter