Sa pangalawang pagkakataon ay nagkaharap muli sa isang vlog sina ABS-CBN news anchor-vlogger Karen Davila at actress-host-superstar vlogger Alex Gonzaga; sa ngayon naman, sa YouTube channel na ni Karen.
"Matagal n'yo na itong hinihintay- my reunion with superstar vlogger Alex Gonzaga! Mula nang nag-HOUSE RAID siya sa akin noong 2017, we meet again!!" caption ni Karen sa kaniyang latest vlog na umere noong Pebrero 19, 2022.
"Super fun day with Alex touring the newly rehabilitated Manila Zoo pero bukod sa laughter, she also shared ang HUGOT ng puso niya and FAITH in the LORD!"
"And as my dear friend Small Laude would say, 'No Bashing!' Good Vibes tayo guys!" paalala ni Karen.
Matapos ang kanilang pag-tour sa bagong bihis na Manila Zoo ay dumiretso na si Karen sa panayam kay Alex, lalo't mainit ang usapin ng pambabatikos sa kanila ngayon dahil sa pagsuporta kay presidential aspirant Bongbong Marcos, lalo na ang kaniyang ate na si Toni Gonzaga at mister nitong si Direk Paul Soriano.
Pag-amin ni Alex, tinatawanan na lamang daw niya ang mga negatibong komento na natatanggap nila ngayon. Kung kinakaya niya ay mas kinakaya raw ito ng kaniyang ateng si Toni, na handang-handa na sa mga mangyayari dahil sadyang matapang daw ito.
"Hindi na siya… hindi na talaga siya nagma-matter. Minsan parang, uy ito trying to hurt me… Pero wala, matatawa ka eh," seryosong komento ni Alex.
Bata pa lamang daw sila, sanay na sila sa mga masasakit na salitang naririnig nila, lalo na sa kanilang tatay na si Daddy Bonoy Gonzaga.
"I know she's a strong person. And I know hindi siya dadalhin ni Lord doon nang hindi siya ready. So my sister was bashed. Even before bata pa lang siya, she was bullied noong pre-school pa lang siya. So I think during that time, she was so equipped and she was so ready for that. And I don't think that the Lord would give that to me because I think my sister is (much) stronger, more independent," paliwanag ni Alex.
Matapos ang kaniyang pagbibitiw sa reality show na 'Pinoy Big Brother' bilang main host ay rumatsada na si Toni sa pagsama sa pangangampanya para sa UniTeam. Wala pa siyang opisyal na pahayag hinggil sa pagiging cancelled niya sa mga nagdaang linggo simula nang gawin niya ang pagho-host ng UniTeam proclamation rally.