Itinanggi ng kampo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes, Peb. 21 ang diumano’y banta sa seguridad laban sa presidential aspirant.

Sa kabila nito ng usap-usapan ng pagputol sa kanyang caravan sa Maynila noong katapusan ng linggo.

Sinabi ng abogadong si Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos Jr., na natapos ang kanyang caravan alas-5:30 ng hapon ng linggo Linggo batay sa nakasaad na schedule.

Ang mga pahayag ni Rodriguez ay taliwas sa pahayag ng kapartido at Manila mayoralty aspirant na si Alex Lopez na naiulat na nagsabing ang motorcade ay naputol dahil sa "security concern".

“No, it was scheduled to end at 5 p.m. As to the security concern, it is always a concern not just of presidential candidate Bongbong Marcos but for all others aspiring for president as well as,” ani Rodriguez sa midya.

Sinabi rin ni Rodriguez na ang kanilang "“commitment with our local candidates there” ay tapusin ang caravan ng 5 p.m., ngunit sa kahilingan ni Marcos Jr., ito ay pinalawig hanggang 5:30 p.m.

Joseph Pedrajas