Magpapatuloy ang “Oplan Baklas” ng Commission on Elections (Comelec).

Nitong Lunes, Pebrero 21, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na patuloy nilang tatanggalin ang mga ilegal na campaign materials sa kabila ng mga batikos mula sa ilang indibidwal at grupo.

“It will continue. It’s not the whole ‘Oplan Baklas’ that became controversial, only those involving private property,” ani Jimenez sa isang public briefing.

“But for the streets, those in public places, those hanging from electrical wires we will continue to remove them,” dagdag ni Jimenez.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Gayunpaman, bukas ang opisyal sa pagrepaso ng kanilang mga alituntunin.

“If there would be people who would give a different opinion or different interpretations on policies, or if they have different observations that they would want to show to Comelec, then we are willing to accept these written position papers,” ani Jimenez.

Aniya, sinusuri din nila ang mga ito.

Noong nakaraang linggo, nagsagawa ang Comelec ng “Oplan Baklas” na nagtatanggal ng mga ilegal na campaign materials sa ilang bahagi ng National Capital Region at sa isang rehiyon.

Ito ay mga campaign materials na labag sa sukat o sa mga itinakdang lugar.

Gayunman, sinabi ng poll lawyer na si Romulo Macalintal na walang kapangyarihan ang Comelec na tanggalin nang walang due process ang malalaking campaign materials na naka-display sa mga pribadong ari-arian.

Leslie Ann Aquino