QUEZON - Sugatan ang dalawang pilotong opisyal ng pulisya at isa pang pulis matapos na bumagsak ang sinasakyang helicopter sa Real nitong Lunes ng umaga.

Sa insyalna ulat, kabilang sa mga nasugatan sinaLt. Col. Dexter Vitug (piloto), Lt. Col.Michael Melloria (co-pilot), at Patrolman Allen Noel Ona.

Bago ang insidente, patungo sana ang mga ito sa Manila Domestic Airport sa Pasay City, lulan ngAirbus H125 na may registry No. RP-9710 upang sunduin si PNP chief, Gen. Dionardo Carlos at ihahatid sa Balesin Airport sa Real, Quezon nang maganap ang insidente dakong 8:15 ng umaga.

Kaagad na isinugodsa CM Recto Hospital sa Infanta, Quezon ang tatlong pulis, ayon kay Real Municipal Police chief, Capt. Jernie Junne Merka.

Probinsya

13-anyos na babae na hinihinalang ginahasa, natagpuang patay sa altar ng chapel

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng insidente.

Danny Estacio