Naitala ng Department of Health (DOH) ang pinakamababang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong taon.

Sa case bulletin ng DOH, naitala nito ang 1,427 new COVID-19 cases nitong Lunes, Pebrero 21.Mas mababa ito kumpara sa 1,712 na naitala naman noong Linggo, Pebrero 20.

Dahil dito, mayroon na ngayong 3,653,526 total COVID-19 cases.

Sa naturang bilang, 1.6% na lamang o 58,657 ang aktibong kaso o nagpapagaling sa sakit.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Kabilang na rito ang 53,326 na mild cases, 2,845 na moderate cases, 1,422 na severe cases, 760 na asymptomatic cases, at 304 na critical cases.

Nakapagtala rin ang ahensya ng 3,269 na pasyenteng gumaling na sa karamdaman kaya sa kasalukuyan mayroon ng 3,539,106 total recoveries ang bansa na 96.9% ng total cases.

Nadagdagan din ng 79 ang COVID-19 deaths sa Pilipinas kaya mayroon na itong kabuuang 55,763.

Mary Ann Santiago