Sa pamamagitan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), magbibigay ang gobyerno ng Pilipinas ng US$200 o mahigit P10,000 cash aid para sa mga Filipino migrant workers sa Hong Kong na nagpositibo sa COVID-19, sinabi ng Malacañang.

Ito ang anunsyo ni cabinet secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles nitong Lunes, Peb. 21 dahil 28 overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong ang kumpirmadong nahawa sa virus.

Kasalukuyang suliranin ng teritoryo ng China ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 na naiulat na sanhi ng Omicron variant.

Ayon kay Nograles, sa 28 OFW na nagpositibo sa COVID-19 noong Feb. 19, lima na ang gumaling, at tatlo ang nakabalik na sa kanilang mga amo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dahil dito, nagbigay ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Hong Kong ng after-care cash aid na nagkakahalaga ng US$200 sa mga gumaling na sa sakit.

Bukod sa tulong pinansyal, sinabi ni Nograles na ang gobyerno ng Pilipinas ay nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan sa mga OFW na tinamaan ng COVID.

“Our POLO immediately provided them with food, hygiene kits, and power banks to allow them to communicate while waiting for calls from the Center for Health Protection and HK Labour Department,” ani Nograles.

Nakipag-ugnayan din ang POLO sa isang non-government organization at sa Hong Kong Labor Department para magbigay ng isolation facility para sa mga OFW, gayundin ang mga kaayusan sa transportasyon.

Samantala, nauna nang itinanggi ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga ulat na ang mga OFW ay tinatanggal ng kanilang mga amo habang nakikipaglaban ang Hongkong sa paglaban sa COVID-19.

“So far, there is no report on the termination of OFWs,” saad ni DOLE Secretary Silvestre Bello.

Alexandria Dennise San Juan