Tila kinumpirma na ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Lorraine Badoy ang pagkamatay ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chair Jose Maria Sison.

Sa isang Facebook post ni Badoy nitong Linggo, Pebrero 20, ibinahagi niya na pumanaw na si Sison.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Sleep well. Rodrigo Duterte, our ginapalangga 16th President watches over us. And this demonyo is no more," ani Badoy na may kaakibat na larawang ni Sison.

"Rest in Piss, you Pissting Yawaa! Magiging paraiso na ang Pilipinas kasi nandyan ka na sa impyerno ka-Piss talks sila Oris at Bok," dagdag pa niya.

Noong Pebrero 7, sinabi rin ng Badoy na pumanaw na ang CPP founder.

“Biro n’yo, na-deds si Joma bago matapos ang termino ni PRRD. Eh si PRRD kaya ang chair ng NTF ELCAC. Ang laki naming kunsumisyon kay Joma. Strategy namin para ikamatay nya. Lol,” sabi ni Badoy.

“So na-end talaga ni PRRD ang halimaw na naglikha ng Communist Armed Conflict sa Pilipinas. Magician talaga boss ko. Kaya ko sya labs, alam nyo? Dami kong na-witness na magic nyan,” dagdag niya.

Ngunit pinabulaanan nito ni Sison at sinabing "I am still alive."

Basahin:https://balita.net.ph/2022/02/09/i-am-still-alive-joma-sison-pinabulaanan-ang-kumalat-na-balitang-siyay-pumanaw-na/

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang kumpirmasyon mula sa kampo ni Sison ang panibagong balita na pumanaw na ang CPP founder.