Hindi sinayang ni Nadine Lustre ang pagkakataon upang makapagpaabot pa rin ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong Odette noong Disyembre 2021. Naispatan sila ng kaniyang boyfriend na si Christophe Bariou na nagsasagawa ng feeding program sa bayan ng Caridad Pilar, Surigao Del Norte noong Pebrero 17, 2022.
Kahit kasi dalawang buwan na ang nakararaan ay marami pa rin daw sa mga residente ang hindi pa nakaka-recover mula sa panghahambalos ng naturang super typhoon.
Batay sa mga litratong makikita sa Instagram fan page na @alwaysjdn, makikita na si Nadine mismo ang nagsasandok ng pagkain na ipinamimigay niya sa mga kababayan.
Marami sa mga JaDine fans ang nagtatanong kung ano raw ang sey niya ngayong umalis na sa Pilipinas ang katambal at ex-jowang si James Reid upang subukin ang international singing career sa Amerika.
Marami kasi ang nanghihinayang sa kanilang tambalan, kahit iyon na lamang daw ang manatili at hindi na manumbalik ang kanilang dating pagtitinginan bilang magjowa. Tila natatanggap na ng mga tagahanga nila na may ibang lalaki nang nagpapasaya sa puso ni Nadz.
Wala namang inilabas na reaksyon o mensahe si Nadine tungkol sa balitang umalis na si James sa Pilipinas at maninirahan na sa US.
BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/18/james-reid-babu-na-sa-showbiz-cristy-hinayang-sa-kanila-ni-nadine/">https://balita.net.ph/2022/02/18/james-reid-babu-na-sa-showbiz-cristy-hinayang-sa-kanila-ni-nadine/
Bukod sa mga tagahanga, isa pa sa mga nanghinayang sa nabuong tambalan nina James at Nadine si showbiz columnist Cristy Fermin.
"Alam mo, ito ‘yung karerang sayang na sayang lalo na ‘yung loveteam nila ni Nadine, sayang na sayang,” pahayag ni Cristy sa kaniyang radio show na 'Cristy Ferminute' kausap ang kaniyang co-host na si Romel Chika.
Anyway, kung si James ay nasa ibang bansa na, si Nadine naman ay patuloy na gagawa ng pelikula sa Pilipinas matapos silang magkasundo ng Viva Artists Agency.