Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na nagbukas na rin ang pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ng COVID-19 vaccination site sa Central Station ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Maynila.

Sa isang pahayag nitong Lunes, Pebrero 21, sinabi ng DOTr na maaaring magpabakuna ang publiko sa naturang vaccination site mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, mula Lunes hanggang Biyernes.

DOTr/FB page

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Kabilang sa mga maaaring magpabakuna sa naturang train station ay mga adult passengers na nangangailangan ng first dose o booster shot laban sa COVID-19.

Ayon sa DOTr, kabilang sa mga brand ng bakuna na available sa naturang vaccination site ay Sinovac, Moderna, at AstraZeneca.

Target anila ng LRMC na makapagbakuna ng may 200 indibidwal kada araw.

Kailangan lamang na magpa-pre-register sahttps://manilacovid19vaccine.ph/home.php

Ang mga hindi naman rehistrado online ay i-aassist on-site para sa kanilang registration bago sila turukan ng bakuna.

“LET’S GET VACCINATED!??The Light Rail Manila Corporation (LRMC) opens an additional vaccination site at its Central Station today, Monday, 21 February 2022,” anunsiyo ng DOTr. “The vaccination is scheduled at 8AM - 5PM on Mondays and Fridays, and will cater to 1st vaccine dose and booster shots for adults. Sinovac, Moderna and Astrazeneca are the available vaccine brands on-site.”

“This is in support of the nationwide vaccination drive against COVID-19, and in line with the directive of Department of Transportation Secretary Art Tugade to push for initiatives that would help ensure the healthy, safety and overall welfare of the riding public,” anang DOTr.

Una nang inanunsyo ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) noong Linggo, na simula bukas, Martes, Pebrero 22, ay bubuksan na rin nila ang vaccination sites sa ilang istasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Maaari anilang magpaturok ng bakuna sa Recto Station sa Maynila, tuwing Martes at Huwebes, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon; at sa Antipolo Station sa Rizal, tuwing Miyerkules at Biyernes, mula alas- 8:30 ng umaga hanggang alas- 4:00 ng hapon.

Una nang inihayag ni DOTr Secretary Arthur Tugade na plano nilang gamitin ang mga railway stations bilang vaccination sites, upang mapaigting pa ang government vaccination campaign laban sa COVID-19.

Mary Ann Santiago