Dapat bang paluwagin ng pambansang pamahalaan ang mga paghihigpit sa gitna ng pagbaba ng mga impeksyon sa coronavirus disease (COVID-19) sa bansa? Payo ng isang health reform advocate, dapat “maghinay-hinay” ang gobyerno.

Hinimok ng health reform advocate at dating National Task Force (NTF) against COVID-19 special adviser Dr. Anthony “Tony” Leachon ang pambansang pamahalaan na timbangin ang sitwasyon bago bawasan ang pandemic restrictions sa bansa.

“Dapat ay maghinay-hinay tayo at dapat ay may timelines din tayo.” ani Leachon sa panayam ng DZRH nitong Lunes, Pebrero 21.

Sa pagbanggit sa pamantayan ng World Health Organization (WHO), sinabi ni Leachon na kabilang sa mga tagapagpahiwatig na maaaring alisin ng isang bansa ang mga paghihigpit ay ang kontroladong hawaan ng virus; isang matatag na sistema ng pangangalagang pangkalusugan; isang mabilis, naa-access, at abot-kayang nakalatag na testing; at mga may kakayahang ospital sa kanayunan.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Pag hindi tayo nag ingat at nag dahan-dahan ay mapapatulad [tayo] sa nangyari sa Denmark. Nagbukas sila two weeks ago at nagkaroon ng surge. Hindi na tayo lalayo, ang Hong Kong, Singapore, South Korea, at Japan ay nagsu-surge. Tayo lang ang maganda ang kinalalagyan ngayon,” idinagdag niya.

Charlie Mae Abarca