CEBU CITY—Handang isama ng Department of Health-Central Visayas (DOH 7) ang mga batang kalye sa kanilang pagbabakuna para sa pediatric population gaya ng iminungkahi ng grupo ng mga medical practitioner.

Ikinatuwa ni Dr. Mary Jean Loreche, punong pathologist at tagapagsalita ng DOH-7, ang mungkahi ng Cebu Medical Society na pabakunahan ang mga batang kalye na aniya ay napaka-bulnerable sa COVID-19.

“These children roam around unprotected so there is really a need to vaccinate them,” ani Loreche.

Binigyang-diin ni Loreche na ang pagbabakuna sa mga batang lansangan ay nangangailangan ng pahintulot ng kanilang mga magulang.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kung hindi mahanap ang kanilang mga magulang, kailangang makipag-ugnayan ang lungsod sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para maisakatuparan ang bakuna.

Hiniling din ni Loreche sa City Health Department na pinamumunuan ni Dr. Jeffrey Ibones na magkaroon ng malapit na koordinasyon sa DSWD.

Calvin Cordova