Inabisuhan ng isang water concessionaire ang mga residente ng Cainta at Taytay sa Rizal na mag-ipon na ng tubig dahil mawawalan na sila ng suplay nito simula ngayong Lunes, dakong 10:00 ng gabi.
Sinabi ng Manila Water, anim na oras ang mararanasang krisis sa tubig sa mga nasabing lugar hanggang 4:00 ng madaling araw ng Martes, Pebrero 22.
Idinahilan ng kumpanya ang gagawing linemaintenance activities saBarangay San Juan sa Cainta at Brgy. San Isidro sa Taytay.
Kaugnay nito, humingi rin ng paumanhin ang Manila Water sa mga apektadong residente.
Magkakaroon din ng water interruption sa Paranaque, Taguig at Binangonan sa Rizal sa Pebrero 23, ayon pa sa kumpanya.
Nel Andrade